Ang pananakit sa kababaihan at kabataan ay ang iyong kaligayahan?
“Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan at na isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki. “Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing nabugbog, pinilit sa pakikipagtalik, o kaya naman ay minaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.”
Ginagamit ang taguring karahasan
laban sa kababaihan, na nakikilala sa Ingles bilang violence against
women (VAW), upang tukuyin ang lahat ng uri ng karahasang
ginagawa laban sa kababaihan. Masasabing isa itong krimeng bungi ng poot o
pagkasuklam dahil tinatarget nito ang isang partikular na grupo na ang kasarian
ng biktima ang pangunahing motibo. Ang uri ng karahasang ito ay nakabatay sa
kasarian. Nangangahulugang ang karahasan ay ginagawa laban sa kababaihan sa
malinaw na dahilang sila ay babae o bilang resulta ng pagkilala sa kalalakihan
bilang mas nakatataas sa lipunan.
Ayon sa datos ng PNP na
ipinresenta ng Philippine Commission on Women sa Kamara, nakapagtala ang
pulisya ng 1,425 kaso ng gender-based violence sa buong bansa. Kabilang
dito ang karahasan sa mga kababaihan at bata, tulad ng pambubugbog na umabot sa
1,184; 122 kaso ng panggagahasa; at 90 kasong acts of lasciviousness o iba pang
uri ng pambabastos. Pinakamarami ang nai-report na
karahasan sa mga babae sa Region 7 o Central Visayas na umabot sa 407, 122
naman sa Region 6 o Western Visayas, 113 sa Region 4-A o Calabarzon, 112 sa
Region 13 o Caraga, habang 104 naman ang naitala sa Metro Manila. Hindi
pa malinaw kung mas mataas ang kaso ng karahasan sa panahon ng quarantine
period pero nakikita ng PCW na posibleng mas mataas umano ang numero dahil may
iba pang nagpasaklolo sa mga NGO, barangays, Women and Children Protection
Units, Social Welfare and Development Officers, at iba pang services agencies.
Ayon sa 2013 National Demographic
and Health Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, 1 sa bawat
limang kababaihan, edad 15-49 ang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso. Nais
nating bigyang diin na hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence
against women. Maaari rin itong sa paraang berbal, sekswal, sikolohikal at
ekonomikal. Ayon din sa nasabing ulat, isa sa bawat apat na kababaihan ang
nakaranas ng emosyonal, pisikal at sekswal na karahasan mula sa kanilang asawa.
Lumabas na 30% lamang ang nagsumbong o humingi ng tulong para mahinto ang
karahasan.
Seksyon 1. Maikling Pamag
at.- Ang Batas na ito ay
kilala bilang "Republic
Act No. 9262 Anti-Violence Against Women and Their Children Act
of 2004.”
Sinabi sa Seksyon. 2. Pagpapahayag ng Patakaran.- Ipinahayag dito na pinahahalagahan ng Estado ang dignidad ng kababaihan at mga bata at ginagarantiyahan ang buong paggalang sa mga karapatang pantao. Kinikilala din ng Estado ang pangangailangang protektahan ang pamilya at ang mga kasapi nito partikular ang mga kababaihan at bata, mula sa karahasan at mga banta sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
Ang mga karahasan sa kababaihan ay sanhi ng mababang pagtingin ng isang lipunang pinaghaharian ng patriarkal na kaisapan. Sa lipunang ito nakikita ang mga babae bilang mahihina, hindi lamang sa pisikal na aspeto ngunit pati sa antas emosyon at kaisapan. Bunsod nito, iba't ibang karahasan ang nararanansan ng mga kababaihan.
Isinulat ni John Lerry R. Manalo
Source:

Magandang Araw!
ReplyDeleteHindi po angkop na gamitin ang wikipedia para sa pangangalap ng impormasyon.
Magandang punto na pinakilala sa article na ito ang R.A. no. 9262
Maraming Salamat!
Kung ikaw ay tinatakot ng family in laws mo tulad ng kinakatakutan mong hayup..at yun ang naisip na paraan sayo para matakot ka ng sobra..pwede rin ba silang makasuhan at makulong?? Isa na rito kung walang legal na papel ang pyton? Or Boa?
ReplyDelete,Tanong ko lang po,,(example,,ako babae sinapak ako nang kapit Bahay Namin lalake sa walang kadahilanan),,Anu pong kaso Ang pwedeng isampa sa lalake?
ReplyDelete