Epekto ng Social Media sa mga Kabataan

 


“Hindi yan mananalo dahil gusto ng mga kabataan ngayon ay mga kandidatong gawapo’t magaganda!” narinig kong komento ng aking ama sa isang kandidato habang nanunood ng telebisyon. Sa katunayan, hindi ko rin gusto ang kandidato, ngunit hindi katulad ng dahilan ng aking ama. Ang nakapukaw sa akin ng pansin at agad naman nagpakulo ng aking dugo ay sa msimong komento nito sa mga kabataan. “‘Di rin!” pabulong na sagot ko. Aaminin ko, gusto kong makipagtalo, ngunit dahil sa respeto, ‘wag na lang!

Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, tumblr pati na rin Blogger. Ito lamang ang iilan sa mga social media sites na tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa kaila. Adik ako sa internet, pero di sa paraang masama. Gusto ko sanang idahilan ito sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang mga kabataan ngayon. “Baka sa henerasyon n’yo lang ‘yun, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala sana akong respeto’t di makapagtimpi ay ganitung-ganito ang aking isasagot.

Iba na nga ang mga kabataan ngayon. Pihikan na sila sa pagpili at proud akong kabilang ako sa henerasyong ito. Marami akong nila-like sa Facebook at fina-follow sa Twitter. Sa mga nakikita ko, kritikal nang mag-isip ang mga kabataan sa tulong ng social media at internet sites. Isang magandang balita para sa ating bayan.

Napansin ko rin na hindi lang sila bastang pumipili ng kandidatong popular dahil sa endorser at commercials. Pati mga independent candidates ay sinusuri na rin nila. May pakialam na ang kabataan ngayon. Sa pamamagitan ng camera ay ini-ispatan na nila ang mga loko-lokong kandidato at ipinapadala sa midya. Marami rin akong nababasang mga artikulo galing sa blog sites ng mga kabataan at natutuwa naman akong basahin ang mga ito.

Isa pang ikinaka-proud ko ay ang liberal na isip ng kasalukuyang kabataan. Sariwa ang kanilang ideya di tulad ng mga nakatatandang tradisyunal na kung mag-isip. Dahil sa teknolohiya, napapalawak ang mga ito. Ilan rito’y paggawa ng short videos ukol sa eleksyon o panghihikayat sa kapwa kabata na maging matalino sa pagpili.

Karamihan ng mga botante ay may edad na 18-25. Mga kabataan. Kaya naman, kampante ako sa resulta ng botohan (kung walang mangyayaring pandadaya). Maituturing ko na magiging progresibo at matagumpay ang eleksyon na ito sa tulong ng matalino at mapanuring pagiisip ng mga kabataan. Totoo nga ang sinabi ng ating bayani, at sana naman ay mapagtanto ng mga kabataan at ng susunod na henerasyon na, Kabataan ang pag-asa ng bayan.

Isinulat ni Tristan Ramirez

Source:


Comments

  1. Magandang Umaga!
    Kulang sa matibay na pundasyon ang iyong argumento. Gayunpaman naihayag naman ang panig na nais panigan.
    Salamat!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang pananakit sa kababaihan at kabataan ay ang iyong kaligayahan?

Edukasyon: Karapatan o Pribilehiyo