Anong kinabukasan ang kapupuntahan ng populasyon, kung ang korapsyon ay hindi mawakasan?

          Ang bansang sinilangan na ngayon ay unti-unting nawawalan ng direksyon dahil sa kabi-kabilang pag-abuso rito. Marami sa atin ang mulat, marami ang bulag at marami rin ang piniling huwag na lang dumilat sa katotohanan sapagkat nasanay na? Okaya naman ay nabigyan na.


Korapsyon isang salitang maririnig natin sa bawat radyo at balita ngunit ano nga ba talaga ito? Ito ba’y nakakain dahil parang nagpapalaki ng mga tiyan ng buwaya? O ito ay piring sa mata sapagkat nabubulag ang iba kapag naabutan na kahit na alam naman nilang hindi ito tama?

Batay sa Wikipedia, Ang korupsyon, korapsyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.

             Ang pinakamainit na balita tungkol rito ay ang nawawalang 15 bilyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Naging usap-usapan ito sa balita, radyo at sosyal medya kung saan binatikos at hindi sinangayunan ang ginawa o nangyaring ito dahil sa gitna ng pandemyang nararanasan ng buong bansa ay nagawa pang magnakaw ng mga tao o mga opisyal sa likod nito.

             Ayon sa whistleblower na si Lawyer Thorrsson Montes Keith, “My primary job as anti fraud legal officer of PhilHealth is to spy on corrupt personnel … What I have discovered in PhilHealth may be called ‘crime of the year,”

 “I believe, based on my investigation, that the (public) money that had been wasted or stolen was more or less P15 billion,” dagdag pa niya.

             Simula nito naging usap-usapan na ang isyung ito dahil bukod sa opisyal na pinatatamaan o natamaan sa pahayag na ito ay naapektuhan at nabahala rin ang mga miyembro ng PhilHealth. Matapos ang pahayag na ito ay nagpahayag rin ang mga opisyal at mariin nilang itinanggi ang akusa bagamat walang binanggit na anumang pangalan ay naglabas na sila ng kani-kanilang pahayag. Samantalang ang pamahalaan ay binigyang pansin ito at inimbistigahan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga sumulpot na iba pang isyu sa bansa hanggang sa nalimutan na ang nawawalang 15 bilyon sa PhilHealth.

             Mula sa opisyal na pahayag ng PhilHealth,The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) categorically denies in strongest terms that its senior officials have "pocketed" some P15 billion as alleged by Thorsson Keith during the Senate hearing on August 4, 2020. Atty Keith was hired as a job order contractor to do staff work under the Office of the President and is in no position to discuss office matters being in the Corporation for only 9 months. His malicious claims not substantiated by evidence were obviously made to malign officers that rejected his ambitions for higher offices which he is not qualified for.”

             Isa lamang ang nangyaring yan sa PhilHealth sa iba’t ibang katiwalian na nagaganap sa bansa kung saan nagpapakasaya ang mga kurakot at ang mga mamamayan ang naapektuhan sa kanilang mga ginagawang hindi naman tama. Ngunit ano nga bang mangyayari kapag ang isang indibidwal o opisyal ng gobyerno ay gumawa ng katiwalian sa bansa?

             Batay sa Republic Act No. 6713 o Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga Publikong Opisyal at Empleyado, “Ang akto(batas) na nagtatakda ng kodigo ng pag-aasal at mga pamantayang etikal para sa mga publikong opisyal at empleyado, upang panghawakan ang iningatan ng panahong prinsipyo ng pampublikong opisina bilang pampublikong pagtitiwala, nagbibigay ng mga insentibo(pabuya) at gantimpala para sa mahusay na paglilingkod, nag-iisa isa ng mga pinagbabawal na mga gawain at transaksiyon at nagbibigay ng mga parusa para sa mga paglabag ng mga ito at para sa iba pang mga layunin”

             Bagamat may ganitong uri na nga ng batas na umiiral sa ating bansa ang iba ay patuloy pa rin sa paglabag nito at walang habas sa pagbulsa ng pera ng bansa. Sa aking paniniwalang, kaya nila ito nagagawa ay dahil sa mayroon silang kapit sa mga opisyal at sa mga mismong tagapag-patupad ng batas sa ating bansa.

             Ayon naman sa Transparency International’s Corruption Perception Index, “With a score of 34, the Philippines ranked 115th out of 180 countries and territories. While this was the country’s same score in 2019, its 2020 rank dipped from 113th in the previous year. It is now the country’s lowest rank recorded since 2012.”

             Sa patuloy na ating nararanasan sa pandemya ay patuloy pa rin ang nagaganap na korapsyon at katiwalian sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa kabilang banda ay nagkaroon ng statistics na nagsasabing bumaba pa ang bilang ng katiwalian ng bansa simula 2019. Ito ay pormal na sinabi ng  Transparency International’s Corruption Perception Index. Ang iba ay hindi naniniwala rito, lalo na ang mga kontra sa gobyerno ngunit maniwala man tayo o sa hindi ay patuloy at patuloy pa rin ang korapsyon hindi ito matatapos hangga’t mayroong natitirang isang nakaupo sa pwesto.

             Sa katunayan nga ay ang Ombudsman’s Finance and Management Information Office na mismo ang nagsabi na, “Ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindanao. Ang Philippine National Police (PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso).[1] Noong 2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwalian ayon sa publikong sektor. Ang Pilipinas ay ka ranggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.”

             Ang gobyerno ay marahil napapalibutan ng mga masisipag at tapat na mga kawani at opisyal ay hindi pa rin maiiwasan na magkaroon at patuloy na magkakaroon ng mga tiwali at kurakot sa bawat pangkat at sektor nito. Kung hindi man ngayon ay marahil hindi na mauubos ang mga buwayang nakatira pamahalaan at kumakain ng pera ng bansa. Hanggang sila ang mga tiwali ang nasa itaas at walang magawa ang mga nasa ibaba o tagasunod na lamang ng mga nasa tutok ay wala ng pag-asa ang bansa sapagkat hindi kalaunan ay buong bansa pati na ang mga naninirahan rito ay kainin na rin ng mga buwaya.

             Anong kinabukasan ang kapupuntahan ng populasyon, kung ang korapsyon ay hindi mawakasan? Walang nakakaalam. Pero isa lamang ang sigurado ako, hindi matatapos ang katumaliang gawain nila kung walang kikilos at pipigil sa kanila. Ang mga buwaya ay patuloy na kakain at kakain ng walang habas kahit na ang biktima ay mawalan ng buhay. Ang mga kurakot ay patuloy na mangungurakot hangga’t may makukurakot. Halimbawa ay mahuli sila, ang gagawain lamang ng mga iyan ay biglang magkakasakit at kakailanganin ng hospital arrest. Kundi naman magkakasakit ay magkakaroon sila ng sandaliang siyensya o kaya naman ay pwedeng mag piyansa kung saan ay patuloy pa rin silang makakaupo sa pwesto at uulitin lamang ang ginawa marahil sa mas maingat na paraan ng sa gayon ay hindi na muling ng makulong. Ang kinabukasan ng ating bansa ay ipagpasa-Diyos natin dahil sa tingin ko ay Siya lamang ang kasagutan sa lahat ng kamaliang ito. Nawa’y magsisi na ang mga korap na opisyal at balutin ng katotohanan at konsensya ang kani-kanilang puso’t damdamin. Upang ang kinabukasan ay mayroong kapuntahan.

Isinulat ni Jean Ann C. Matic

Source:


Comments

  1. Magandang Araw!
    Wikipedia ay hindi angkop na gamitin bilang sanggunian ng impormasyon.
    Maraming Salamat!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang pananakit sa kababaihan at kabataan ay ang iyong kaligayahan?

Edukasyon: Karapatan o Pribilehiyo

Epekto ng Social Media sa mga Kabataan