Isang kasalanan ba ang mabuhay ako o mamatay?
Lahat ng tao ay may karapatang mamuhay ng payapa at
may kalayaan ngunit maraming mga sanggol ang nawawalan ng karapatan nito dahil
sa tinatawag na abortion, ang abortion ay ang pagtapos ng pagbubuntis sa
pamamagitan ng pagtanggal ng embryo o ng fetus sa tiyan ng nagdadalang tao na
dahilan ng pagkamatay ng isang dapat sana ay magiging sanggol. Isa pa ring
maingay na isyu ang abortion sapagkat hati ang opinyon ng bawat tao ukol dito,
may mga pro-life kung saan sila ang mga grupo ng tao na naniniwala na walang
mali sa mga taong pinili na magpalaglag sapagkat ito ay resulta ng isang hindi
planadong pagbubuntis o ang tinatawag na teenage pregnancy, kung saan wala pang
kakayahan ang isang ina na buhayin ang kaniyang magiging anak, maaaring dahil
gusto niya makapagtapos ng pag-aaral, kulang sa suportang pinansyal o kaya
naman ay iniwan siya ng kaniyang kinakasama.
Ayon sa isang artikulo na matatagpuan sa internet
Ang pagpapasiya na magpalaglag ay palaging mahirap ngunit maraming mga dahilan
upang ang isang babae ay sumubok na magpalaglag, kabilang na rito ang tinatawag
na family planning kung saan hindi inaasahan ng mag-asawa ang isa pang anak at
ito ay hindi talaga nakaplanado, maaring dahil sa kahirapan o ang kanilang mga
anak ay sapat na lamang sakanilang budyet at hindi na nila ito kayang buhayin
na nag-udyok sakanila upang magpalaglag. Isa pa sa mga dahilan ay ang
pagkakaroon ng HIV o AIDS na malaki ang pagkakataon na mahawa ang kaniyang
pinagdadalang tao. Walang ina ang gugustuhin na makitang nahihirapan ang
kaniyang anak dahil lamang sa sakit na nakuha mula sakaniya na maaari nilang
parehong ikamatay.
May batas sa ating bansa kung saan ipinagbabawal ang
pagpapalaglag, ito ay ang Article II of the 1987 Philippine Constitution na
nagsasabing ang Pilipinas ay naniniwala sa kabanalan ng buhay ng isang tao at
nararapat ito na protektahan at mapagtibay ang isang pamilya. Naglalayon din
ito na protektahan parehas ang buhay ng isang ina at ng kaniyang anak sapagkat
ang abortion ay maaaring maging delikado kapag hindi ito nagawa ng tama.
Tandaan natin na ang lahat ng aksyon ng isang tao ay may sapat na dahilan hindi man natin ito maintindihan ng lubos ngunit hindi sana ito maging dahilan upang husgahan ang isang tao sapagkat hindi natin alam ang kanilang mga piangdadaanan. Sa mga ina na patuloy na nagmamahal sakanilang mga anak kahit ano pa man ang estado nila sa buhay isang malaking yakap ang aking maibibigay sainyo. Ano pa man ang piliin na desisyon ng isang tao ay hindi dapat siya basta basta husgahan ng kahit sino man, alamin ang isang rason bago tuluyang manghusga ng kapwa.
Isinulat ni Irish Zabrina B. De Belen
Source:
- https://en.wikipedia.org/wiki/Abortion
- https://www.audiopedia.io/fil/question/Bakit_ang_ilang_kababaihan_ay_nagpapalaglag_.html
- https://en.wikipedia.org/wiki/Abortion_in_the_Philippines
- https://www.google.com/search?q=abortion+pictures+5+weeks&rlz=1C1RLNS_enPH916PH916&sxsrf=ALeKk02SgwXkMPAT26383y5s0RoDKvF8ZQ:1612424524599&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj57o-43c_uAhWBBogKHV3lDt0Q_AUoAXoECBEQAw&biw=1536&bih=666&dpr=1.25#imgrc=EI2wQ4OtY-ZBhM
"Isa pa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng HIV o AIDS na malaki ang pagkakataon na mahawa ang kaniyang pinagdadalang tao."
ReplyDelete-Saang pag-aaral natagpuan ito?
Maaari ko bang mahingi ang soure?
Pagpuna binaggit ko rin sa klase na hindi akma na gamitin ang wikipedia sa pagkuha ng impormasyo.
Maraming Salamat!