Karapatang Mabuhay, Karapatang Mamili




            Tayo’y isinilang na may malayang karapatan na mamili kung ano ang gusto nating kinabukasan. Araw-araw meron tayong hinaharap na suliranin na kung ano man ang ating mapagdesisyonan ay maiiba ang kurso ng ating buhay. Ang simpleng pagpili ng anong kakainin ay magsasabi sa ating kinabukasan. Tiyak na may araw na kailangan natin magpakasal at ilaan ang buhay natin sa isang tao. Upang makabuo ng pamilya at sana’y makahanap din ng kasiyahan na marapat satin. Pero may pagkakataong ding akala natin na kabutihan ang madudulot ng ating desisyon. Minsan, tayo’y nagkakamali sa pagdedesisyon, at ito’y natural lamang. Hindi lahat ng tao’y perpekto, lahat tayo ay nagkakamali at nagsisisi sa ating mga ginawa. At ang pagpapakasal at paghihiwalay ay isa sa mga matitinding desisyon na kailangan nating gawin sa buhay.

Tulad ng pagpili ng kakainin, ang pagpili ng iyong kinabukasan ay iyong “KALAYAAN”.

Maliban sa Lungsod ng Vaticano, ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa buong mundo kung saan ang diborsiyo ay hindi napatupad. May alternatibong paraan ng paghihiwalay dito sa Pilipinas at iyon ay ang legal separation at legal annulment.

Sa legal seperation, sila’y magasawa parin pero magkahiwalay ng bahay, lupa, mga ari-arian at iba pa. Ibig sabihin hindi ka maaring magasawa ng iba sapagkat kayo’y magasawa padin, hindi lang kayo pisikal na magkasama, ayon sa CNN Philippines. Ang annulment naman ay maskomplikadong proseso, Ayon sa website ng LegalZoom, ang annulment  ay ang pinakamagandang opsiyon at masmalapit sa tunay na diborsiyo. Ngunit may permiso ito ng Filipino Law, ito ay mahaba, mahal, at nakakapagod na proseso. Meron ditong tinatawag na void at voidable marriage. Sa void marriage, ang pag-aasawa ay simula sa una’y non-existent PATI nadin ang anak at ikukonsiderang anak sa labas ang kanilang naging anak. Sa kabilang banda naman, ang voidable marriage ay legal at katotohanan hangga’t maayos ang annulment.

“Kung may ganto na pala sa Pilipinas, bakit pa natin kailangan ipatupad ang Divorce Bill?”

Sa annulment, kailangan ipatupad na ang pagpakasal ng mag-asawa ay IMBALIDO. Ibig sabihin kung kayong dalawa ng asawa mo’y nagpakasal at sumailalim sa; kulangan sa pahintulot ng magulang, psychological incapacity, fraud, pinilit ang kasal, sexually transmitted a disease, incest, atbp. Kayo’y maaaring magpa-anull ng inyong asawa. Sa divorce, mas madali ang proseso, hindi kasing mahal, legal na maghihiwalay ang dalawa pati sa papeles, ang anak ay libre pumunta kung kanino at kung magasawa man ulit ang kanyang magulang, magiging magulang niya din ang inasawa ng kanyang magulang.

Madaming rason kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa ngayon. Ayon sa website ng Survive Divorce, ang karaniwan na dahilan ay: pera, abuso, kulang sa katapatan, kulang sa komunikasyon, maling rasons at iba pa. Makikita naman natin na lahat ay mauugnay natin sa kasiyahan ng dalawa. Tunay ba silang nasisiyahan sa kanilang sitwasyon? Nawala na ba ang pagmamahal? Mali ba ang iyong nagawang desisyon? O tama lang at kailangan mo lang ulit magdesisyon para sa kabutihan mo?

Para sakin, walang akong problema sa paghihiwalay, hangga’t walang masasaktan sa proseso. Kung ito man matupad, sana’y tuwid ang pagiisip ng mga tao kung may balak man silang makipaghiwalay sa kanilang mga kapartner. Hindi ‘to biglaan na desisyon, ito’y binibigyang oras at pinagisisipan ng mabuti. Ipalagay mo nadin ang mga maapektuhan ng pagpapasiya mo, lalo na ang mga anak ninyo. Madaming bata ang nabibikitima ng divorced families, yung iba ay naulila at nawalan ng pamilya. Pwede silang maapi sa eskuwelahan o kung saan man, at ito ang magpapaguho sa kanilang kabataan o mas malala, buong buhay nila.

Gaya nga ng sinabi ko sa simula, ang mga tao’y malayang pumili ng kanilang ginugusto. Lahat tayo ay isinilang ng may karapatang mabuhay ng mapayapa at masaya. Nasa satin ang desisyon kung pano natin ito gustong gawin. Puwera nalang kung ito ay makakasama sa iba. Hangga’t maari, ibilang natin ang mga taong malapit satin. “No man is an island”, walang taong nabubuhay para sa sarili lamang, Bilang konklusyon, sana’y matupad ang Divorce Bill sa Pinas kasi “Freedom is not the right to do anything, it is the right to do the correct thing.”

Isinulat ni Nigel Amielson P. Tubig

Source:

Comments

  1. Magandang Araw!
    “Freedom is not the right to do anything, it is the right to do the correct thing.”
    Ang kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad.
    Gayunpaman magandang punto ang pagpapakita ng history ng partikular na pagtalakay sa Bill na ito.
    Maraming Salamat!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang pananakit sa kababaihan at kabataan ay ang iyong kaligayahan?

Edukasyon: Karapatan o Pribilehiyo

Epekto ng Social Media sa mga Kabataan