Maagang Pagbubuntis ay dapat bang iwasan o hayaan nalang?
Ang teenage pregnancy ito ay ang maagang pagbubuntis ng mga babae na sa edad 12 to 15 taong gulang, meron din naman mga babae na sa edad 16 to 18 ay nabubuntis na. May mga babae o kabataan ngayon na maagang nag aasawa, mga kabataan na masyadong mapupusok at nagmamadali magkaanak. Kaya dito pumapasok ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan na halos sa murang edad ay makikita mong nagdadalang tao na sila, kaya sa edad na 12 to 18 or less 18 ay marami ng nagkakaanak dahil sa panahon ngayon hindi muna mabawal ang mga kabataang mapupusok at hindi makapaghintay sa tamang panahon. Kaya sa aking pananaw kailangan natin iwasan ang pagiging mapusok para maiwasan ang pagkakaroon ng maagang pagbubuntis. Isa ang maagang pagbubuntis sa problema, hindi lamang sa ating bansa kundi pati na sa buong mundo. Kaya dapat natin ito iwasan, at wag hayaan na lalo pamg lumaganap sa mundo ang maagang pagbubuntis, hindi rin ito makakatulong sa ating bansa.
Ang mga dahilan din na maaari kaya maaga silang nabubuntis ay paglalasing, kawalan ng gabay ng magulang, at kulang sa kaalaman. Marami ang nabubuntis na kabataan dahil lamang sa pagkalasing dahil hindi na nila alam ang kanilang ginagawa kapag tinamaan na ng alak, at hindi na mapigilan ang temptasyon. Kawalan ng gabay ng magulang, dahil marami ang sira ang pamilya at mayroon din namang mga magulang na hinayaan lamang ang kanilang mga anak. Kulang sa kaalaman, dahil marami rin na kabataan ang hindi naturuan ng tama tungkol sa sex o pakikipagtalik kaya hindi nila alam ang kahihinatnan. Kawawa ang mga taong maagang nagbubuntis dahil sila din ang mahihirapan, hindi nakapagtapos ng pag aaral, walang trabaho kaya walang mapapakain sa anak na ang kalalabasan ay ang magukang ang magpapakahirap na magtrabaho na lalong makakadagdag sa kahirapan sa mundo.
Sa aking pananaliksik, ang teenage pregnancy daw ay malaki ang implikasyon sa health care ng bansa. Ito ay isang malaking health risk. Ang murang edad ng mga teenagers ay hindi lamang nangangahulugan na hindi pa sila hinog sa pag-iiisip. Ang kanilang katawan ay hindi pa rin handa sa mabilis na pagbabago na kaakibat ng pagbubuntis. Marami sa kanila ay nahihiyang magpa check up, hindi maayos ang nutrisyon, at nahaharap sa risk ng maternal death. Tumataas nga ang bilang ng mga teenagers na namamatay dahil sa pagbubuntis. Sampung porysento sa kanila ang namatay noong 2013.
Ayon din sa 2014
datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), kada oras, 24 na sanggol ang
sinisilang ng mga teenage mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014
Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) study. Mga 14% ng mga Pilipina na
may edad aged 15 to 19 ay buntis o di kaya sila ay mga ina na. Mataas ang
bilang na ito, lalo na kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa Southeast Asia.
Tayo ang pinakamataas sa rehiyon kapanalig, at sa atin lamang tumataas ang
bilang ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis.
Isinulat ni Mae Jenielaine B. Bernardo
Source
- https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.veritas846.ph/teenage-pregnancy-isyu-ng-pamilya-lipunan/&ved=2ahUKEwjun6eLwtvuAhUaPnAKHc0HBfYQFjADegQIBRAI&usg=AOvVaw29JnvWqLO6mBzeCdVWteZt&cshid=1612830588810
Magandang Umaga!
ReplyDeleteAng pagpapakita ng epekto ng teenage pregnancy sa article na ito ay maganda, ngunit ang naging pagkakasunod ng mga impormasyon ay wala sa tamang ayos.
Maraming Salamat!