Epekto ng Social Media sa mga Kabataan
“Hindi yan mananalo dahil gusto ng mga kabataan ngayon ay mga kandidatong gawapo’t magaganda!” narinig kong komento ng aking ama sa isang kandidato habang nanunood ng telebisyon. Sa katunayan, hindi ko rin gusto ang kandidato, ngunit hindi katulad ng dahilan ng aking ama. Ang nakapukaw sa akin ng pansin at agad naman nagpakulo ng aking dugo ay sa msimong komento nito sa mga kabataan. “‘Di rin!” pabulong na sagot ko. Aaminin ko, gusto kong makipagtalo, ngunit dahil sa respeto, ‘wag na lang! Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, tumblr pati na rin Blogger. Ito lamang ang iilan sa mga social media sites na tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa kaila. Adik ako sa internet, pero di sa paraang masama. Gusto ko sanang idahilan ito sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang mga kabataan ngayon. “Baka sa henerasyon n’yo lang ‘yun, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala sana akong respeto’t di makapagtimpi ay ganitung-ganito ang aking isasagot. Iba na nga ang mga kabataan n...